Tuesday, April 20, 2010

Finance or Marketing? :S

So kanina lumabas 'yung results ng qualifying exams. Akala ko masaya kung ipapasa ko lahat, kasi syempre sino bang matutuwa kapag hindi?


Flashback.


Actually matagal ko nang ginive-up ang Finance nung nalaman ko 'yung Final grade ko ngayong sem. Humingi kasi ako ng sign kay Lord na kapag naka-1.75 ako, go na ako sa Finance. Pero nung nalaman kong 2.00 lang ang nakuha ko, naging firm 'yung decision ko sa Marketing.


Hanggang sa nag-qualifying exams na nga. Hindi talaga ako nag-aral sa Finance. As in konting basa, wala. Tapos sobrang kinarir ko naman 'yung Marketing. As in cover to cover binasa ko kahit sasabog na utak ko. Naisip ko kasi, magMamarketing na nga lang ako, sana man lang first section ako kapag third year na.


Sobrang sabaw talaga 'yung test ko sa Finance. As in potangena shotgun, naaalala ko yung mga lessons pero nakalimutan ko na lahat yung formula. Kasalanan ko din naman kasi di ako nagbuklat ni isang libro, at isa pa nasa utak ko magMamarketing na talaga ako.


Pero di pa rin ako mapakali. Syempre kinausap ko ulit si Lord. Sabi ko sa kanya,

"Lord, alam niyo naman kung anong nangyari sakin sa qualifying exams ng Finance. Kung mapapasa ko 'to talagang himala na lang. Pero gusto ko sana siyang ipasa, kahit na magMamarketing ako.. masabi lang na pumasa sa Finance."


'Yan lang nasa isip ko nun. Hanggang sa mali pala ang pagkakasabi ko kay Lord. Actually naisip ko, o syet BV sana di ko na lang pinasa lahat para wala na akong choice. Para Marketing na lang, tapos!


---


So eto na ang dilemma ko ngayon. Confirmation na ng slots this coming Friday. Sabaw pa rin utak ko at torn between Marketing and Finance.


Finance
  • Pinakatinitingalang major sa UST Commerce
  • Puro Math of Investment
  • Puro Accounting
  • Stock brokers?
  • Pero maraming job opportunities
  • Mas broader ang scope sa Marketing
  • More like office work.



Marketing
  • Sobrang daming section sa commerce
  • Tapunan DAW ng mga hindi pumasa sa ibang majors
  • Petiks daw?
  • Walang thesis, feasibility study lang
  • Wala gaanong set na mataas na standard di katulad ng Finance
  • Advertising? Promotion?
  • TAGABENTA.
  • More like fieldwork.





Parang PRESTIGE & WITH MONEY (Finance) vs. WHAT I THINK IS EASY & WITH MONEY KUNG MAY SIPAG AT TYAGA (Marketing).



---



DUDE PARE TOL SERYOSO TALAGA AKO NGAYON KASI DITO NAKASALALAY ANG AKING KINABUKASAN :|




1 comments:

Finance Dissertation Help said...

Whenever i see the post like your's i feel that there are still helpful people who share information for the help of others, it must be helpful for other's. thanx and good job.

Finance Dissertation Proposal