ako na siguro ang pinakamasayang tao sa mundo ngayon.
Pero hindi. Hindi ko kaya. Araw-araw inlab ako sa isang tao. Alam na ng utak ko kung sino yun. Parang bang, sapul ako araw-araw. Gustuhin ko man o hindi, andyan siya eh. Kahit siya, wala dito.
Bakit.
Lahat naman binibigay ko. Anong kulang? Sakin? Sakanya?
Minsan gusto ko na lang umiyak, all-night. Actually nagawa ko na eh, ginagawa ko, gabi-gabi. Ako lang may alam. Hindi ko rin maintindihan sarili ko eh. Minsan tinatanong ko mata ko "pagod ka na?" Sabi nya sakin "Keri lang te, basta mailabas mo lang sama ng loob mo"
Hindi ko naman sinasabi na dapat maging perpekto sya para sakin. Dahil unang una, hindi rin naman kasi ako perpekto. Marami akong pagkukulang, alam ko yun. Pero pinipilit ko naman unawain siya.
Pero bakit. Bakit? Sa tuwing may ganito akong nararamdaman, lagi kong iniisip na "bakit hindi ka perpekto?" Sa bawat tampuhan namin, iniisip ko "Bakit hindi ka perpekto?" Sa bawat sagutan namin, iniisip ko "Bakit hindi ka ganyan, hindi ka ganito?" Sa bawat tanong na yan, iniisip ko "Bakit nga ba?"
Relationship is a give and take process, malamang.
Pero bakit give lang ako ng give. Lahat na ginive ko. Gusto ko ring maka-take, kahit minsan. Gusto ko mafeel. Rarely ko kasi nafefeel, actually sa sobrang rare, parang wala na talaga. Nakalimutan ko na kung kelan ang huli kong take, ang huli kong bawi. Labong labo na ko eh. Parang sa sobrang give ko babalik na naman ako sa simula, magtatanong na naman ako ng "Bakit?"
Sawa na ko eh, parang gusto ko na lang matulog. Tapos kapag natulog ako gusto ko lahat ng iniisip kong maganda, lahat ng iniisip kong "sana" eh mangyari sakin.. kahit sa panaginip lang. At habang nananaginip ako, hindi na ako magigising..
At iiyak ako sa panaginip ko... Pero hindi na iyak ng kalungkutan..
Iiyak ako kasi sa wakas naramdaman ko na yung dapat kong maramdaman.
No comments:
Post a Comment